To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Monay

October 9, 2007

Nagmamadali ako kaninang umaga sa paghabol sa byaheng Quiapo-Echague sa Mendiola.  Mejo maluwag pa nang nakasakay ako.  Nakatabi ko ang isang babae at sa tabi niya ay isang malaking box ng maraming tinapay.  Ganda ng upo ko.  Nakakagutom ang freshly-baked monay para sa tulad kong wala pang breakfast.  Biglang andaming nagsakayan sa may bandang Arlegui.  Nagworry ako na baka mapuno ng husto ang jeep eh nirereserve ko ang space sa tabi ko para sa tinapay.  Halos mapuno pero may space pa talaga.  Aktong kakalungin ni Manang yung malaking box nang sabihin kong, wag na po may space pa.  Hindi talaga ako umusod para may space iyong tinapay.  Mabigat kaya yun at pag napiyaot, wala nang bibili noon.  Kita kong malinis ang pagkakagawa at kita ko rin kung gaano iniingatan ni Manang ang kanyang paninda. 

Narinig ko yung driver nagsabi na…

“Hoy Manang, bayad ba yang tinapay mo?”

Napatingin ako sa Manang.  Kita ko sa mukha niya ang pagkapahiya dahil sa sinabi ng driver at sa sabay-sabay na pagtingin ng mga pasaherong nakasakay.  Wala mang narinig na pagkutya mula sa pasahero, ramdam mo ang pagkapahiya.

Sabay abot ko ng bayad.

“Ma, bayad. 2 yan!”

Siguro nagulat yung driver dahil nakita niya akong mag-isang sumakay pero dalawa ang ibabayad ko.

“Miss, ilan to?  Dalawa?”

Banas ako sa pagkapresko ng drayber na ito. 

“Opo.  Isang kasasakay lang at Box ng Tinapay!”

 

May pagkasarcastic ang tono ko.  Hinawakan ko yung box.  Sabay sabing, “Okay lang yan jan, Manang.  Bayad yang space na yan.”  Narinig nang nasa harap ko ang sinabi ko. 

Nahihiya pa rin ang Manang at ngiti lang ang isinagot sa akin.

Binilang ko yung sukli, at isa lang ang kinuha sa akin.  Inabot ko ulit ang P7.00. 

Hindi naman nasira ang umaga ko, masarap yung tinapay na binili ko kay Manang eh.  At naiintindihan ko kung bakit ganon na lang ang sinabi ng driver.  Pero hindi ko alam kung bakit uneasy ako sa mga ganoong sitwasyon na may napapahiyang tao.  At iyong taong iyon ay kimi sa pagtatanggol sa sarili.

Aktong bababa ako, nang marinig ko si Manang.  “Salamat ha.” 

Ako naman ang napangiti.

Pare-pareho tayong naghahanap-buhay, kung walang puwang sa yo ang konsiderasyon, konting kapwa-tao lang. 


Posted by sheggz at 10:34 am | permalink

Previous Comments

iba ka talaga sheggz…maganda ang pagpapalaki ng parents and grandparents sau…kilala kita kung sino ka…the best ka sheggz…kahit mangyari ang makulit na si jp ay nasa tabi mo…remember ung kasal sa chowking…uu nga pala noh??bat pinagtawanan ko un..cguro nga first time kong makakita ng kinakasal sa chowking..hehehe..d ko makakalimutan un ah…

Posted by jp at October 9, 2007, 3:24 pm

wow, ang bait mo naman. grabe.

Posted by vian at October 13, 2007, 10:26 pm

haha.bait bait. :)

Posted by des at October 13, 2007, 10:28 pm


kung siguro may superhero sa tunay na buhay…
hindi ako magtataka kung kasama ka sa hall of fame ng justice league…

asteeg… isa kang tunay na ehemplo sa’ming mga kabataan… iba ka…

Posted by debbie at November 17, 2007, 2:04 pm

Add a comment








     

October 2007
M T W T F S S
« Sep   Nov »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines