Home » Archives » 27. October 2007
Bisita
October 27, 2007[Isip-Isip] [Lakad-lakad] [Isip-Isip] [Pabalik-balik]
Ito ang ginawa ko matapos kong malaman na may dadating pala akong espesyal na bisita. Hmm… hindi ko maintindihan kung matutuwa ba ako o magtatago o hahayaan ko na lang lumipas ang araw na ito. Mahirap siyempre na maging bisita ang isang taong naging malapit sa iyo kasama ang kanyang asawa, hindi ba? Kung ito man ay isang simpleng kumustahan o salu-salo, alam na kaya ng sarili ko kung paano ihahandle ang ganitong sitwasyon nang hindi naman magmumukhang kawawa o engot sa harap nila?
Back to Square One ba?
O ito kaya ay magdulot ng panibagong sigalot dahil sa pagpayag kong makihalubilo pa sa kanila… Tapat nga kaya ang kanilang hangarin na magkita-kita pa o maging isang oportunidad kaya ito para magsumbatan muli, mag-ungkatan ng mga bagay na isinara ko na…
Kaya ko nga kayang maging masaya sa harap nila?
Kaya ko nga kayang talikuran ang bawat tingin na may ibang nais ipahiwatig?
Kaya ko nga kayang gawin uli ang tumalikod sa taong minahal… at maaaring may puwang pa rin?
Sa dami ng bisitang dadating sa buhay ko… bakit ngayon lang ako nag-iisip ng ganito…
Ikaw na marahil ang pinaka-espesyal kong bisita…
na gusto ko mang pagsarhan ng pinto…. hindi ko maiwang nakalock… dahil alam na alam mo kung saan nakalagay ang susi..
Haay! <Pag-ibig na WengWeng>






