Home » Archives » 29. October 2007
Love Songs
October 29, 2007Saturday morning, I saw a text message coming from my good friend, Emma Liza.
Hi! Gud morning
May hihingin sana akong malaking favor sa yo. Ikakasal na me eh kailangan ko ng mag-oorgan, may singer na pwede ka ba? Sa December 1 yun. Ang mga kakantahin lang naman eh The Gift, Ikaw, Ngayon at Kailanman, We've Only Just Begun, Through the Years, All my Life and Forever more. Pwede ba?
Excited na ko kasi sa kasal ko pa pala ikaw makakasama ulit
![]()
Emz is my closest friend in college. It took several minutes before I replied. All the while I thought, she was asking me to sing.. hahahaha Surely, I can't say no to her cause this has long been promised. That whenever she gets married, I'll be there to play for her… I seldom do that.. only to close close friends
Hope I can play it well for the last "single" friend among my list of friends in college…
If that's the case…. I was left.. single out! hahahaha
Bday Gifts
Bago kami lumuwas ulit ng Manila kanina, ewan ko ba kung bakit ang naging mainit na topic ng aking pamilya eh kung paano ice-celebrate ang natatanging "29th" birthday ko hahaha. Marahil combined celebration na rin ito, dahil kaming lahat ng mga apo ay pawang nakagraduate na… ang iba'y may pamilya na… at ang iba'y naghahanap ng magiging pamilya… at ako ay nilipasan na sa paghahanap hahaha
Nandiyang tumawag pa ang Uncle ko sa States para sabihing… ang gift daw niya sa akin ay Baril na kwarenta'y singko. Samantalang ang kapatid ko naman… "Ate, alam ko na ireregalo ko sa yo… TUNGKOD! Alalay sa pagtanda!" Hahaha
Marahil suko na silang lahat sa akin dahil hindi ako napipikon sa kahit anong pang-aalaska nila. Sabi pa nga ni Lolo.. "Ung ibang mga dalaga… nagcecelebrate kapag ika-25th birthday na wala pang asawa… samantalang ikaw… icecelebrate namin ang huling taon na line of 2 ka pa.."
Hahaha
Ito na ang pinakahihintay kong sandali sa taong ito… ang magkakasama kaming lahat sa isang simpleng salu-salo… Ang taon na ito marahil ang isa sa hindi ko makakalimutang taon.. na naging buong-buo ako dahil sa pamilya kong unti-unting binuo ulit ng panahon at pagkakataon.
The biggest blessing in our lives is simply the presence of people who care much,
whose love is for real, and see us much beyond ourselves…






