To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Bday Gifts

October 29, 2007

 

Bago kami lumuwas ulit ng Manila kanina, ewan ko ba kung bakit ang naging mainit na topic ng aking pamilya eh kung paano ice-celebrate ang natatanging "29th" birthday ko hahaha.  Marahil combined celebration na rin ito, dahil kaming lahat ng mga apo ay pawang nakagraduate na… ang iba'y may pamilya na… at ang iba'y naghahanap ng magiging pamilya… at ako ay nilipasan na sa paghahanap hahaha

Nandiyang tumawag pa ang Uncle ko sa States para sabihing… ang gift daw niya sa akin ay Baril na kwarenta'y singko.  Samantalang ang kapatid ko naman… "Ate, alam ko na ireregalo ko sa yo… TUNGKOD! Alalay sa pagtanda!" Hahaha

Marahil suko na silang lahat sa akin dahil hindi ako napipikon sa kahit anong pang-aalaska nila.  Sabi pa nga ni Lolo.. "Ung ibang mga dalaga… nagcecelebrate kapag ika-25th birthday na wala pang asawa… samantalang ikaw… icecelebrate namin ang huling taon na line of 2 ka pa.."

Hahaha

Ito na ang pinakahihintay kong sandali sa taong ito… ang magkakasama kaming lahat sa isang simpleng salu-salo… Ang taon na ito marahil ang isa sa hindi ko makakalimutang taon.. na naging buong-buo ako dahil sa pamilya kong unti-unting binuo ulit ng panahon at pagkakataon.

The biggest blessing in our lives is simply the presence of people who care much,

whose love is for real, and see us much beyond ourselves… 


Posted by sheggz at 8:57 pm | permalink

Add a comment








     

October 2007
M T W T F S S
« Sep   Nov »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines