Home » Archives » 21. November 2007
Manong Mop
November 21, 2007Umuulan na naman kanina.. naalala ko na naman si Manong Mop… siya ung katiwala ng underpass sa Quiapo na walang ginawa kundi panatilihing malinis ang underpass.. sa tag-init.. taga-alis ng nakadikit na bubble gum o anumang nanikit na dumi sa hagdan at pag tag-ulan… haayyy… siya ang nagmomop ng bakas ng basang sapatos sa daraanan..
Hati ang paglilinis.. sarado ang kalahati dahil iyon ang nililinis habang ang kabila naman ang bukas para sa daraanan ng tao.
Hindi ko na nagagawang kuwentuhin si Manong Mop dahil sa ilang taong pagdaan-daan ko dun, laging karipas ako ng takbo o yung lakad ko, animo'y takbo. Pero kahit na nagmamadali ako, hindi ko makalimutan na dumihan ang anumang winalisan o na-mop nya na..
Bwisit ako sa mga taong, nakita nang nililinis nung tao, ay titikisin pang doon dumaan. Sa hindi mabilang na bakas ng sapatos na paroo't parito.. hindi ka ba naaawa sa taong naglilinis nun? Pakunswelo na lang kahit konti… kahit na sabihing trabaho niya ang maglinis.. makakatulong ka kahit paano na hindi na makadagdag pa sa lilinisin..
Tulong mo na yun kay Manong Mop. Mabait siya… o siguro hindi na makuhang magsalita sa pagod… ikaw ba naman ang maghapong maglinis ng underpass…
Hanapin mo siya ha… andun lang cia lagi…
I CAN
"I CAN is 100 times more important than IQ…"
The year is about to end in less than a month and yet my list of "to do's" at work are piling up. I am not complaining, though… I am blessed to be here not because I am compensated but my skills are extensively used till the last drop of my sweat! Something that I don't imagine myself doing but I thrived hard to do.. and excel….
I love to sleep because I am so tired and I love to eat because I am so hungry… it's the exercise of your full potentials and seeing them working positively for you and for others is what makes it worth keeping.
I am excited with the new project… overlapping my existing load… hehehe I dunno how I will manage my time… At what time will I sleep?
I told you… there are a lot of things I don't know… all I have is the initiative and the will to do it… I may not be as brilliant as the others… but my will power is enough to conquer all the fears..
In short… that's what AJAH is all about!! Fight!!!
Boyfriend, Girlfriend
Nagsimula ang lahat sa …. "Napanaginipan kita. Anlaki laki ng mata mo sa galit dahil sa hindi ko nauupdate pa ung test cases! Ang sungit mo.. nakakatakot ka…"
Dala ng sobrang pagod at puyat, nakatulugan ko ang paguupdate ng test cases na hinihingi sa akin ng officemate ko.
Nang dahil doon… nag-ugat ang lokohang "Kami Na!"… na ipinaalam lang sa akin ng mga kaofficemates ko sa text habang iyong isa ay ipinangalandakan na sa email.
Kung tawagin namin ang isa't isa ay "Boyfriend, Girlfriend" at kanina nga lang ay "Love" na ang tawag sa akin. Hehehe <kilabot mode>
Nakakatuwang pagkatuwaan ka ng mga tao… nakakaalis ng stress paminsan-minsan ang mga tuksuhan… tulad ng pagbili ng crib para sa 7 puting tuta na nasa sinapupunan ko hehehe… bawal nang magpuyat at manigarilyo si boyfriend dahil makakasama sa pagbubuntis ni girlfriend.
Ang maagang paguwi ni Boyfriend para magsaing at maghanda ng baon kinabukasan para sa mga tutang isisilang… hehehe
Natawa pa ako ng ang isang officemate ko ang nagsabing, "natutuwa akong marinig sa maghapon ang Boyfriend, Girlfriend na yan." Hahahaha
At kanina nga lang… natawa ako nang sinabi niya sa akin… 'Bigyan mo ako ng space!' habang magkatabi kaming kumakain ng dinner… Kung ganito talaga ang relasyon ng tunay na mag-asawa… isa lang ang masasabi ko… lubhang nakakalokah!
Oh, Boyfriend… baka madevelop ka na! Hahaha






