To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Boyfriend, Girlfriend

November 21, 2007

Nagsimula ang lahat sa …. "Napanaginipan kita.  Anlaki laki ng mata mo sa galit dahil sa hindi ko nauupdate pa ung test cases! Ang sungit mo.. nakakatakot ka…"

Dala ng sobrang pagod at puyat, nakatulugan ko ang paguupdate ng test cases na hinihingi sa akin ng officemate ko. 

Nang dahil doon… nag-ugat ang lokohang "Kami Na!"… na ipinaalam lang sa akin ng mga kaofficemates ko sa text habang iyong isa ay ipinangalandakan na sa email. 

Kung tawagin namin ang isa't isa ay "Boyfriend, Girlfriend" at kanina nga lang ay "Love" na ang tawag sa akin. Hehehe <kilabot mode>

Nakakatuwang pagkatuwaan ka ng mga tao… nakakaalis ng stress paminsan-minsan ang mga tuksuhan… tulad ng pagbili ng crib para sa 7 puting tuta na nasa sinapupunan ko hehehe… bawal nang magpuyat at manigarilyo si boyfriend dahil makakasama sa pagbubuntis ni girlfriend.

Ang maagang paguwi ni Boyfriend para magsaing at maghanda ng baon kinabukasan para sa mga tutang isisilang… hehehe

Natawa pa ako ng ang isang officemate ko ang nagsabing, "natutuwa akong marinig sa maghapon ang Boyfriend, Girlfriend na yan." Hahahaha

At kanina nga lang… natawa ako nang sinabi niya sa akin… 'Bigyan mo ako ng space!' habang magkatabi kaming kumakain ng dinner… Kung ganito talaga ang relasyon ng tunay na mag-asawa… isa lang ang masasabi ko… lubhang nakakalokah!

Oh, Boyfriend… baka madevelop ka na! Hahaha


Posted by sheggz at 2:18 am | permalink

Previous Comments

sabi nga ni nicole. . . UUUUUUUTANG! NA LOOB! he he he besku bagong TAMBALAN ba iteshiwa? ha ha ha kakatuwang isipin. . . wala napangiti lang ako ng blog na ito. paki sabi ke boyfriend ninang ako ng isa sa mga tuta ha.

Posted by besmu at November 21, 2007, 9:21 am

I’m happy for you. ***Sigh***

Posted by Daddy Pooh at November 22, 2007, 8:20 am

sheggydi…akin na lang ung may stripes ha. 9 sila kaso now 7 na lang. nagkainan na sa tyan mo kasi nagutom. hahaha

Posted by phoenixmayo at December 15, 2007, 1:13 pm

Add a comment








     

November 2007
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines