Home » Post Item » Manong Mop
Manong Mop
November 21, 2007Umuulan na naman kanina.. naalala ko na naman si Manong Mop… siya ung katiwala ng underpass sa Quiapo na walang ginawa kundi panatilihing malinis ang underpass.. sa tag-init.. taga-alis ng nakadikit na bubble gum o anumang nanikit na dumi sa hagdan at pag tag-ulan… haayyy… siya ang nagmomop ng bakas ng basang sapatos sa daraanan..
Hati ang paglilinis.. sarado ang kalahati dahil iyon ang nililinis habang ang kabila naman ang bukas para sa daraanan ng tao.
Hindi ko na nagagawang kuwentuhin si Manong Mop dahil sa ilang taong pagdaan-daan ko dun, laging karipas ako ng takbo o yung lakad ko, animo'y takbo. Pero kahit na nagmamadali ako, hindi ko makalimutan na dumihan ang anumang winalisan o na-mop nya na..
Bwisit ako sa mga taong, nakita nang nililinis nung tao, ay titikisin pang doon dumaan. Sa hindi mabilang na bakas ng sapatos na paroo't parito.. hindi ka ba naaawa sa taong naglilinis nun? Pakunswelo na lang kahit konti… kahit na sabihing trabaho niya ang maglinis.. makakatulong ka kahit paano na hindi na makadagdag pa sa lilinisin..
Tulong mo na yun kay Manong Mop. Mabait siya… o siguro hindi na makuhang magsalita sa pagod… ikaw ba naman ang maghapong maglinis ng underpass…
Hanapin mo siya ha… andun lang cia lagi…






