Home » Post Item » Iba pa rin si one-eight
Iba pa rin si one-eight
November 26, 2007Bigla kong naalala si Ms. Jimenez-liit. Para sa mga nagtapos sa
May nabanggit kasi siya noong 3rd year hayskul ako na hindi ko makalimutan… “Alam ninyo class, para sabihin ko sa inyo, nasa 1/8 pa lang ng hirap sa buhay ang nararanasan ninyo. 1/8 pa lang.” Hindi nga naniwala non ang mga kaklase ko… 1/8 ba naman…
Inisip ko… “1/8 pa lang eh halos pagod na pagod na ko…”
Everytime na matatapos ako sa anumang laban na sinuong ko… hayskul, trabaho.. iniisip ko agad… siguro naman nadagdagan na yung 1/8, iyon ang naging gauge ko sa buhay…
Minsan, naitanong ko pa yan sa lolo ko… kung totoo ung 1/8 na un… At ngayon na malapit na akong mawala sa kalendaryo, noon pa lang ako naniwalang.. totoo yung 1/8 na yun.. at maaaring ngayon ay hindi pa ako nangangalahati sa karanasan at hirap ng buhay…
Iba talaga ang dating sa akin pag ang nagsalita na ay matanda na… yung conviction nang pagsasabi, iba sa conviction ng pagsasabi ng taong nasa kaedaran ko palang..
Iba kasi ang wisdom ng taong pinagdaanan na ang mga pagsubok na yon at napagtagumpayan…






