Home » Archives » 07. December 2007
Vertical Horizon
December 7, 2007Thanks, Meds for sharing me that tonight is Vertical Horizon's concert in Araneta. Grrr!!
I don't wanna miss this or I regret it forever!!!
Check their site… http://www.verticalhorizon.com/main.html
Verb Tenses
Grabe.. nung nag-aaral pa lang ako.. favorite ko yung Verb Tenses.. hindi ko kasi alam kung maiinis o maiiyamot ako sa rule na nag-apply sa bawat verb dahil pabago-bago. Hindi mo alam kung kelan dapat lagyan lang ng "d" kapag past tense o kung kelan talagang nababago ang spelling neto.
Naalala ko pa na minsan nakipagdebate pa ako sa titser ko dahil naiinis na ako dito….
Kaninang umaga lang… natawa ako na habang kumakain ako ng fried sharksfin sa Mini-Stop, narinig ko ang usapang ganito sa isang radio station.
DJ: Ano ang past tense ng "laba"?
Caller: Naglaba
DJ: Eh ano naman ang present tense ng "laba"?
Caller: Naglalaba
DJ: Eh ang future tense ng "laba"?
Caller: Magsasampay!
Weh! Di ba … may ganon!
Touched by the meal
Dati-rati ipinagpipilitan sa aking maging nurse o di kaya ay doktor. Yoko nga! Una marahil sa kadahilanang gusto ko pag araw ng Pasko at mahahalagang holidays eh normal akong nakikicelebrate sa aking pamilya. Yoko talaga ng mga emergency calls at mga duty-duty na yan.
Kaya naman, sobrang natouched ako sa commercial ng Jollibee… yung toll gate operator! Yun bang may dumaan na kotse tapos mga anak niya pala yun at dinalhan siya ng Jollibee meal tapos sinabihang "Hintayin ka namin mamaya ha?" Tapos, natouched din yung tatay. Haaayyyyy!
Yung mga ganong factor ang ayaw na ayaw kong palalampasin.
Iba pa rin talaga ang Pasko sa Pinas!






