Home » Post Item » Verb Tenses
Verb Tenses
December 7, 2007Grabe.. nung nag-aaral pa lang ako.. favorite ko yung Verb Tenses.. hindi ko kasi alam kung maiinis o maiiyamot ako sa rule na nag-apply sa bawat verb dahil pabago-bago. Hindi mo alam kung kelan dapat lagyan lang ng "d" kapag past tense o kung kelan talagang nababago ang spelling neto.
Naalala ko pa na minsan nakipagdebate pa ako sa titser ko dahil naiinis na ako dito….
Kaninang umaga lang… natawa ako na habang kumakain ako ng fried sharksfin sa Mini-Stop, narinig ko ang usapang ganito sa isang radio station.
DJ: Ano ang past tense ng "laba"?
Caller: Naglaba
DJ: Eh ano naman ang present tense ng "laba"?
Caller: Naglalaba
DJ: Eh ang future tense ng "laba"?
Caller: Magsasampay!
Weh! Di ba … may ganon!






