Home » Archives » 10. December 2007
T.I.I.S.
December 10, 2007Alam mo… minsan, gusto ko na lang sumayaw sa ulanan, habang kumakanta ng kanta ng Itchyworms “Akin Ka Na Lang”… totoo!! Gusto kong gawin to sa lugar na ako lang ang tao at walang makakakita sa akin. Yapak at putik ang paa ngunit masaya.
Tagal ko ba namang pinagkatago-tago ang nararamdaman ko tapos ganon lang ang nangyari. Hindi bale sana kung isa na lang akong kaladkaring babae na hindi na kailangang makonsensya basta maging masaya lang, noh?! Aba’t naalala ko si Ariel Rivera sa kanta niyang “Minsan Lang Kita Iibigin…’
kasi dumating pa sa pagkakataong kailangan kong manimbang at magdesisyon at panindigan ko ang desisyon na iyon kahit na taliwas sa gusto ko… eh di sana, hindi na ako malungkot ngayon.
Haay naalala ko na naman si Sharon Cuneta habang sinasabi niya kay Christine Bersola ang linyang ito sa “Kung Ako na Lang Sana” na movie… “To hell with the world… I just want to be happy!” <sabay teary-eyed>
Bakit kasi ganun?! Hindi ba pwedeng ako naman ang maging masaya?! Hindi ba pwedeng may ‘rewind’ ang buhay at itama ang mga naging
At Pasko na naman! Peste… magsisidatingan na naman ang mga alaskador kong mga kamag-anak at mga kaibigan na taon-taon na lang … walang patumanggang magtatanong… “Kelan ka ba mag-aasawa?” Hindi mo alam kung concern ba talaga sa pagtanda kong dalaga o atat sa lechon o leche flan na ihahanda ko sa reception! Hmp!
Puteks! Nakagraduate na nga ako sa ‘Samahan ng Malalamig ang Christmas’ pero puteks talaga… mukhang doctoral degree naman ako sa Samahan ng T.I.I.S … “Tang*** I’m Single” Hahahaha
Levelling ng Mga Katibuan
May natutunan na naman akong toinkable thots handog ko sa mga kababaihang hindi mawari kung sila nga ay tunay na gurlalush o berde ang dugo na gurlalush din ang gusto… o minsan ay gusto lang magpaka-bisexual for experience!
Ayon sa mejo hindi nabibingi kong pandinig… may kanya-kanyang level pala yan.. ayon sa aking bubwit.
Kwatro – straight na girl
Tres – nakikipag-on pero siya ang girl sa relationship
Dos – nakikipag-on pero siya ang guy sa relationship pero hindi hard-core na lesbian na may pag-asa pang maging girl.
Uno – hard-core na lesbian na wala ng pag-asa maging girl..
Magmuni-muni kayo at ilevel ninyo ang mga sarili ninyo sa mga classifications na ito. Mas mabuti yun para alam ninyo ang mga gusto ninyong gawin sa buhay.
Cooking it up with Sheggz
I decided to cook for Lolo at the time my Lola is away… I rushed to the nearest grocery store to buy "kernel corn and butter" for a sizzling corn… oh well, I put the butter on the pan and then I opened the can of corn and immediately throw them in the butter. I was like "Whoah! Bakit may cream?" Hahaha
I failed to check that I bought a "Cream-based Corn"… a sizzling corn turned into a corn soup.. yuck!
Don't worry Sheggydi… you still have the lumpiang shanghai. I asked my Lolo… "Ama, gusto mo ba ng lumpiang shanghai?" Yabang ko noh eh iffry ko lang naman yung uwi naming shanghai galing sa fiestahan hehehe…
Put the oil… have it warmed… Ooohhh I remembered one thing about "Paano ba malalaman kung mainit na yung oil…?"
When I was just a kid and too eager to cook… I was instructed by my Lola to wait until the oil is hot enough before I fry in the hotdogs… I was waiting for several minutes… smoke filled the whole pan… so I assumed that the oil is really hot… As to make sure, I dipped in my lil finger into the oil and screamed out loud…. "Naykupo!!! Mainit na yung oil!!!" Hahahaha
So everytime, I'm into it, I just can't help but to laugh… I put the shanghai! I had fun rolling the lumpias until I saw the meat inside… nahubaran na si lumpia tapos fried na yung loob tapos mukhang hilaw yung labas hehehehe…
Kamusta naman yun! Lumpia na lang palpak pa… Okay lang yun! May sinaing pa… Ininit ko lang naman si kanin…. and turned to my pc… I heard my Lola's footsteps… I rushed again to turned off the stove… nangangamoy sunog hehehe
"Dinner is ready!!"
My Lolo was laughing when he saw that … a fake sizzling corn, sunog na hubad na lumpia and mejo tutong na kanin… hehehehe
"Nag-effort ako, Ama.. kelangan na nating bumili ng bagong stove… hindi marunong magluto yung stove!"
Then he said, "Malamang bumili na rin ako ng bagong frying pan… dahil hindi marunong tumantya kung sunog na ba ung niluluto o hilaw!"
And then our house had been filled with big laughs and more big laughs! Hahahaha






