To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

T.I.I.S.

December 10, 2007

Alam mo… minsan, gusto ko na lang sumayaw sa ulanan, habang kumakanta ng kanta ng Itchyworms “Akin Ka Na Lang”… totoo!!  Gusto kong gawin to sa lugar na ako lang ang tao at walang makakakita sa akin.  Yapak at putik ang paa ngunit masaya.

Tagal ko ba namang pinagkatago-tago ang nararamdaman ko tapos ganon lang ang nangyari.  Hindi bale sana kung isa na lang akong kaladkaring babae na hindi na kailangang makonsensya basta maging masaya lang, noh?!  Aba’t naalala ko si Ariel Rivera sa kanta niyang “Minsan Lang Kita Iibigin…’

kasi dumating pa sa pagkakataong kailangan kong manimbang at magdesisyon at panindigan ko ang desisyon na iyon kahit na taliwas sa gusto ko… eh di sana, hindi na ako malungkot ngayon.

Haay naalala ko na naman si Sharon Cuneta habang sinasabi niya kay Christine Bersola ang linyang ito sa “Kung Ako na Lang Sana” na movie… “To hell with the world… I just want to be happy!” <sabay teary-eyed>

Bakit kasi ganun?!  Hindi ba pwedeng ako naman ang maging masaya?!  Hindi ba pwedeng may ‘rewind’ ang buhay at itama ang mga naging mali…. Hindi ko masabing unfair ang buhay kasi ako naman ang may gustong ganon ang mangyari… pero di ba?  Sa kagustuhan kong mamuhay ng normal alinsunod sa tagubilin ng namayapang si Mother Theresa, kailangan kong gawin un… Thankful naman ako kay Lord sa maraming beses na nailigtas ako sa panganib na dala ng kasyungahan…

At Pasko na naman!  Peste… magsisidatingan na naman ang mga alaskador kong mga kamag-anak at mga kaibigan na taon-taon na lang … walang patumanggang magtatanong… “Kelan ka ba mag-aasawa?”  Hindi mo alam kung concern ba talaga sa pagtanda kong dalaga o atat sa lechon o leche flan na ihahanda ko sa reception! Hmp!

Puteks!  Nakagraduate na nga ako sa ‘Samahan ng Malalamig ang Christmas’ pero puteks talaga… mukhang doctoral degree naman ako sa Samahan ng T.I.I.S  … “Tang*** I’m Single” Hahahaha


Posted by sheggz at 6:45 pm | permalink

Previous Comments

pagkatapos ng pasko akala mo tapos na? may february pa! heheheh!

Posted by rorenz at December 11, 2007, 12:19 am

by that time siguro, rorenz eh lumabas na ang mga baby tuta namin ni Lab [rador] hehehe..

ninong ka! hehehe “ikaw pa rin!”

Posted by sheggz. at December 11, 2007, 11:08 pm

sheggydi…di ka nag-iisa. hahaha. okay lang yan. enjoy life…

mag sasagada pa tayo…at kung ano-ano pa.

akin ang stripes ha…hehehe

Posted by phoenixmayo at December 15, 2007, 12:51 pm

Add a comment








     

December 2007
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines