Home » Post Item » Banggang Motor
Banggang Motor
December 12, 2007Isang masayang halakhakan ang nagpaganda ng araw ko ngayon. Habang nasa byahe kami papuntang Ayala, nakita ko ang isang yuping pinto ng isang Toyota Altis. At doon na nagsimula ang kwentuhang halos ikinahagalpak ko ng tawa.
Sabi kasi ng kapatid ko, pag kotse o van ang bumangga sa yo, ayun pwede kang makipag-away, makipagtaray.. pero kapag naka-motor… wag ko na raw pag-isipang awayin… baka daw kasi, nagmamadaling hired killer yun na armado ng baril o balisong. Eh di sabi ko… ah ganun… sasabihin ko na lang pala..
"Uy, next time.. ingat ka ha…? Okay lang to!"
Dinugtungan naman ng kapatid ko nang.. "Baka nagalusan ka… gusto mo meryenda muna tayo? Or treat kita ng dinner…" Hahahaha
Isa pa ulit… "Nag-aalala kasi ako sa sugat mo.. okay lang tong bangga. Don't worry!"
Hirit ulit ni bro… "Sorry ha… nabangga mo ako. Take care na lang always!" Hahahaha
Nasa kahabaan kami ng Ayala at puro ganon lang ang kwentuhan namin. Hindi namin namalayan na ang traffic na pala.. Saya noh?
Sarap ng kulitang ganun hehehe






