Home » Post Item » Buti pa ang Aso
Buti pa ang Aso
December 21, 2007Ang iba takot na takot umuwi ng gabi o madaling-araw. Ako hindi. Basta alam kong may pamasahe ako pauwi alam kong makakauwi ako. Kahit na sakto lang din ang pamasahe ko, alam kong makakauwi ako… kung sakay o lakad… iyon ang tanong.
Neto neto lang, naisipan kong lakarin ulit ang Mendiola pauwi sa amin. Madaling araw na at wala akong kasama. May nag-alok naman ng sakay sa pedicab, may bayad nga lang at kung anu-ano pa ang sinabing pangungumbinsi ng drayber, sumakay lang ako. Tinanggihan ko. Una, sayang ung barya at sayang ung moment na maglalakad ako at magiisip sa tahimik na lugar.
Ayun! Nagsimula na akong maglakad. Habang pakanta-kanta ako, bigla akong nagulat at may kasunod akong payat na asong batik ng brown at puti. Paglingon ko, nasa kanan ko pala. At sabay pa kaming nagkatinginan… parang sinabing…. "Okay ka lang… andito ako eh!"
So sabay kaming naglakad. Mejo mabilis bilis lang ang maliit nyang hakbang at nauuna-una cia ng konti sa akin. Pero ang natuwa ako, tumitigil cia paminsan-minsan, lilingunin ako sabay iikot-ikot sa tabi ko animo'y talagang hinintay ako. Eh di… monologue na lang ako. Hindi naman kasi siya sasagot eh. At kung sakaling sumagot cia, aba'y mapapakaripas ako ng takbo. Nalungkot ako ng tumigil cia sa 5th st. Pero hindi cia umalis. Nagpaalam naman ako sa Bespren Doggiedog. "Babay!" Sabay wag ng tail nya. Ibig sabihin nun "Message sent!"
Aba, paglingon ko, may dalawang tuta na ang kulit kulit na ang likot likot ng buntot… isang brown at isang puti… hahahaha anak kaya ito nung unang dog? Tapos iikot ikot din hanggang sa maihatid ako sa pintuan ng dorm.
Nakakatuwa… buti pa ang aso at tuta…. may malasakit… at take note… libre!
Salamat mga Aww Aww!







