Home » Post Item » Ako pag Pasko
Ako pag Pasko
December 26, 20071. Mas mahaba ang oras kong panakaw-nakaw ng tulog
2. Sa ibang bahay ako nakikikain
3. Nayayamot sa Noche Buena minsan dahil kailangan pa akong gumising para lang kumain.
4. Hindi ako nakakabuo ng Simbang Gabi dahil nagcocollapse ako sa antok.
5. Butas lagi ang bulsa ko at halos lakad na ako pabalik ng Maynila [hahaha]
6. Lagi na lang akong naeempatso sa dami ng nilalamon.
7. Lagi akong may notebook para sa pangalan ng inaanak at edad.
8. Pag ako ang nakahagip ng lata ni Lola na lalagyan ng coins, swerte ang mamasko sa akin dahil hindi lang piso ang bigay ko kundi dos hahaha
9. Ako ang taga-prito ng ham sa umagang-umaga.
10.Si Ate Imee ang unang bisita sa bahay at lagi na lang bagong gising ako pag dumarating cia.
11.Inaanak ko pa ang nanggigising sa akin sa kwarto.
12.Mainit lagi ang ulo ni Lola sa akin dahil lagi akong nawawala para umidlip
13.Dumadalaw kami sa mga Lolo at Lola para makaiwas sa mamamasko pa.
14.Ako na ang may pinakamahabang tulog, ako pa ang puyat.
15.At may inaanak ako na lagi na lang may gift sa akin pag Christmas.. di ba Ruth Angeline at Rachel Anne?
Merry Christmas!






