To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Pasko sa Pinas

December 26, 2007

Nadarama ko na ang lamig ng hangin
Naririnig ko pa ang maliliit na tinig
May dalang tansang pinagsama-sama’t
Ginawang tambourine
Ang mga parol ng bawat tahana’y
Nagniningning

Ibang mukha ng saya
Himig ng Pasko’y nadarama ko na

May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas
Ang kaligayahan nati’y walang kupas
Di alintana kung walang pera
Basta’t tayo’y magkakasama
Ibang-ibang talaga ang pasko sa Pinas

Ang pasko sa Pinas

 

Isa na marahil sa nagpasaya ng Pasko 2007 ko ay ang mga nagsidatingan kong mga kaibigan mula sa malalayong lupalop ng Dubai at Singapore.  Ang bilis talaga ng panahon.  Kung kelan lang halos pinipigil-pigilan ko ang mata kong umiyak nung nagba-babay kami kay Athan aba'y akalain mong andito na ulit sa Pinas para iuwi ang Camel kong may Dubai accent nang.. "Gurang na.. Gurang na.." hahahaha  Tapos itong si Iset, para pa din kaming dati na hindi maputol-putol ang kwentuhan at tawanan… kami pa rin ang walang kasinglupit sa hagikhikan at galaan hahahaha

Namiss ko ang Tagaytay actually dahil sila ang kasa-kasama ko lagi pumunta dun, para magkape, makikain at maki-ihi sa cr sa sobrang lamig.

At masaya ako na sa sandali ng pagkakahiwa-hiwalay ng konti, ang magandang buhay sa kanilang pagbalik ay isang magandang pakunswelo na okay lang kahit hindi muna tayo nagkita-kita basta.. maayos kayo at may pasalubong kayo sa akin hahahaha

Para sa maraming dahilan na dapat akong maging masaya at mapagpasalamat…. Thank you, Lord at buong-buo pa rin kaming lahat… Kitakits ulit kami sa mga susunod pang Pasko…

Ninang Nori… sa susunod na Christmas ulit ha… lam kong Superwoman ka ng ating pamilya… Miracles do happen.. and my love and prayers are always with you… magni-Ninang ka pa sa kasal ko eh..


Posted by sheggz at 7:41 am | permalink

Add a comment








     

December 2007
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines