To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Puntong Punto

January 9, 2008

Sa hindi malamang kadahilanan, kailanman ay hindi ako naging concerned o conscious man lang sa aking punto.  Mapa-Ingles man o Tagalog, kung ito man ay halata, hindi ko iniintindi.  Ang mas mahalaga sa akin ay kung may katuturan ba ang sinasabi ko o wala.

Natutuwa pa nga ako sa maraming pagkakataon na ang nakakaharap kong mga tao ay mga taga-karatig-pook lang sa bayan na aking kinalakihan.  At masayang makipagkwentuhan at di alintana ang nakakarinig kung mahalata man ang puntong Amadeo.

Ilan lamang ito sa bokabularyong nais kong ibahagi at nawa'y maaliw kayo ng konti.

1.  Aba'y alisi - may pinapaalis na bagay

2.  Buksi - sapilitang utos sa pagbubukas ng pinto o kung ano pa  man

3.  Sarhi - kung may sapilitang pagbukas, meron ding sapilitang pagsara

4.  Aba'y akalain mong pagkalakas lakas pa kanina eh - Ito yung mga nagulat sa napabalitang pumanaw na ang isang kababayan

5. Bilhi - Bilhin mo na

6. Tir-an - Tirhan mo

7. Ista - Isda

8. Gab-i - Gabi na

9. Itsahi - Ihagis

10. Purunggo - Bubog

11. Piringkot - Yupi

12. Bikil - Bukol? Tama ba?

13. Balikutsa - Panutsa

14. Kakapiranggot - maliit na bahagi lang

15. Aksayahi - Aksayahin

16. Sindihe - Sindihan

17. Pumirme - Tumigil

18. Singkad nang - Saksakan nang..

19. Sungkite - Sungkitin

20. Balatong - Monggo

Tuwing naririnig ko ito at minsan ay aksidente kong nasasambit sa aking mga kasama.. muli't muli ay natatawa akong hindi ko maihiwalay ang sarili ko sa simpleng bayan na kinalakihan ko.

Proud Ahoy!

 

Posted by sheggz at 7:54 am | permalink | Add comment

     

January 2008
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Sponsored Links

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines