To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Super Linggo!!!

January 17, 2008

 

Isang makabuluhan at produktibong linggo na naman ang nagbabadyang matapos. <stretching stretching> Nang tingnan ko ang malaki kong desk calendar, aakalain mong mini-blog articles ang naisulat ko sa bawat araw.  Kung may kakayanan nga lang itong mag-blink at mag-animate, nag-wish ako na sana ay kaya nya nga.  Hindi ko nga akalaing matatapos ko ang linggong ito dahil noong nakaraang weekend, halinhinan kami ni Shem sa pagtetxt ng mga takot, sentimyento, alalahanin, at kung anu-ano pa tungkol sa mga kinakaharap na trabaho.  Si Shem ang tumatayong nebulizer ko sa tuwinang nararamdaman kong super stressed out na ako at may nakakasalamuha akong mga nuknukan na mga abnormal ang attitude sa trabaho.  At neto nga lang weekend, change roles naman kami, si Sheggz muna pansamantala ang nebulizer ni Shem hehehe.

Sa nararamdaman kong stress, gusto ko na rin pag-aralang mag-yosi o maglaro ng Dota, o gayahin si Mae na halos linggo-linggo ay nagpapagupit ng buhok, o si Mark na ultimo pinakasulok na tindahan ng Weh na shirt sa Greenhills ay nakikita.  Pero ang tanging kaya ko lang gawin ay bumuntung-hininga ng malalim at sunud-sunod nguyain ang chocolates na nasa tabi ko.

Daming e-mails. May nagfofollow-up na ng mga bagay na ni first page ay hindi ko pa nagagawa.  May waiting line din sa mga utak namin at iba ay standing ovation na.  Naging normal na para sa amin ang maging karugtong ng pang-araw-araw na buhay namin ang madaling araw na uwi sa bahay para maligo lang :-)  

Natawa na nga lang ako kanina.  12:30pm na ako nagising kundi pa ako tinext ng boss ko hehehehe… Ansarap matulog pag sobrang pagod…. totoo pala talaga yun.

Salamat na rin lang sa paloko-lokong internet connection ko at malaking kabawasan sa abala ang mag-friendster, mag-blog at magforums hehehe.  Hindi naman to complaints, actually.. masaya talaga ako sa mga naging accomplishments ko ngayong linggo.  Alam ko naman kasing hindi pa tapos ang linggo namin hehehehe extended pala until weekend.  Masayang sa pagod mo ay may taong handang mang-asar, mangulit at manloko… di ba Daddehh?  (lol)

Salamat din sa I CAN SERVE at ginulat ninyo ako sa mabilis na response ninyo sa request kong libro.  Hayaan ninyo, sana makatulong din ako sa organization na ito…  Salamat din at makakapag-Muay Thai na ako sa katapusan ng buwan na ito… yahooo!!!

Pero higit sa lahat, ipinagpapasalamat ko… na muling naibalik sa Nagtahan Bridge ang hilera ng mga ilaw na nagpapalit-palit ng kulay.  Sobrang saya ko na naibalik ang tanging "senyales" ko na malapit na akong bumaba sa Nagtahan.  Hindi na tuloy ako nakakalampas.

Magandang tingnan, Mayor Lim.   Wag mo na ulit tatanggalin ha?

Ooppss… looking forward na din ako sa Friday night para sa Tuesdays with Morrie sa Onstage…. at sa Saturday night… dahil finally, makakapagbonding ko naman ang PDA Idol kong si Panky Trinidad… yahoo!  Kitakits!

Happy Happy Weekend!!! <isipin mo na lang, Friday na!>

Posted by sheggz at 11:43 pm | permalink | Add comment

     

January 2008
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Sponsored Links

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines