Home » Post Item » Ang takdang panahon
Ang takdang panahon
January 18, 2008Kilala ako ng mga kaibigan at kapamilya ko na kung magdesisyon ay parang buhawi na bigla-bigla na lang. Pero kilala din naman ako na pag nagdesisyon… dire-diretso.
Hmm.. ano nga kaya kung bigla akong magpakasal? Nasa tamang edad na naman.. nasa tamang huwisyo … at nararamdaman kong tama naman yung taong pwedeng pakasalan.
Hindi para maiba naman… kundi para makapagsimula na ng bagong buhay may-asawa sa panahong nararamdaman mong…. "siya na nga" at "this is it!". Di ba nga sabi ni Popoy sa One More Chance, baka dumating na yung taong, magtatama nang maraming mali mo sa buhay.
Tiingggg!!!
Bakit ba ako lalayo pa ng tingin, ang matagal ko nang hinahanap ay pwede palang napakalapit lang sa akin at saksakan ng layo akong tumingin…
Hmmm.. maaaring pwede na nga… ganda ng wedding ring







hmmmm…at sino nman tong posibleng THE ONE mo? parang hindi ata nmin to kilala. =)
Posted by outofmycomfortzone at January 20, 2008, 11:30 pm