Home » Post Item » Wheel of Fortune naman
Wheel of Fortune naman
January 21, 2008May kung ano sa Monday na ito na hindi ko mawari kung ano. Maraming seryoso sa deadline, may nagsisigawan sa daga, may maiingay sa gitna ng kwarto… samantalang ako, pasayaw-sayaw sa upuan ko habang suot-suot ang earphones at pakanta-kanta sa "Akin ka na Lang ng Itchyworms". Kaninang umaga ko pa napapansin na parang mejo kakaiba nga yata ako sa mga nakikita ko. Madami din akong gagawin, pero hindi ko alam kung bakit ang "gaan gaan ng 8:00am ko".
Maganda marahil ang nangyari sa akin ng weekend. Puyat man ako pero talagang ung negative thoughts, nairelease ko. Laking pasasalamat ko sa mga taong nakasama ko at sa mga alak na nalaklak ko ng araw at gabing iyon.
Hmm… makasali nga sa Wheel of Fortune hehehe






