To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Bopols Inc.

January 31, 2008

Ganda ng araw na to para sa akin.  Hindi ko man natapos ang mga dapat kong tapusin sa trabaho, mas masaya ako sa mga nakausap at nakasama kong tao.  Problema, kainan, kwentuhan, kapihan, o tungkol sa trabaho… sa kabuuan ay nakabuo ako ng isang maganda at kapaki-pakinabang na araw.

Hanggat maaari, hanggat kaya pa ng powers ko, kung kinakailangan kong ishare ang mga kalurkei-yan ko sa buhay at dating trabaho, gagawin ko… para hindi na danasin pa ng mga taong malapit sa akin ang mga hang-ups at falldown dahil sa mga abrupt na desisyon na nagawa ko. 

Naalala ko ang isang kaibigan ko dati.  Sabi ko sa kanya, hanggat kaibigan mo ako… hindi ko hahayaang malugmok ka… kung hindi mo ako pakikinggan, mas gugustuhin ko pang lumayo kesa makita kang patuloy na malulugmok at wala akong nagawang tulong sa yo habang kaibigan mo ako.

Hindi naman talaga likas na malakas ang loob ko.  Ang totoo nyan, may kahinaan din ako.  Pero kinailangan kong magtapang-tapangan para sa sarili ko at para sa ibang tao na maaaring mangailangan ng kokonting tapang meron ako.  Minsan, umaattend ako ng meeting na lakas ng loob lang ang meron ako o minsan mga hirit kong lumulusot lang hehehe. 

Minsan lang kasi ako makausap ng matino… at swerte ka pag natyempuhan mo yun… pag kabilugan ng buwan…

Haaay, napakakulay ng bawat nangyari pero higit itong nagpatingkad sa natuklasan kong… ang mga bopols kong desisyon noon, maaaring may magawang mabuti sa makakasalamuha ko ngayon.  Ansayang isiping ang Bopols, Inc. ko pwedeng maging Corrected By pagdating ng panahon.

Goodluck Sir Chris sa bagong work… nawa’y magkitakits pa rin.  At tuparin mo ang pangako mong "Tuloy ang Dota" saan man naroroon hehehehe…

At kay tukayong Shem… walang Batanguenang sumusuko sa laban ng buhay.  When the problem persists, undayan mo ng balisong… har har har!

Grabe ang problema ko lang na inisip ngayon, hindi ko nabili ung brown na tsinelas na pangterno sa brown kong jumper… tsk tsk tsk!  At ung red bag na Adidas na sale, pagbalik ko … nabili na!  Sa sobrang inis ko, nagkamali ako ng daan pabalik sa office.. naligaw pa ako.. toink!

Posted by sheggz at 9:05 pm | permalink | comments[3]

Unloading

It’s my Lolo who influenced me to get hold of every memory attached to anything.  The "senti" part of who I am is largely due to my Lolo’s influence.  The other half of "manifested kasentihan", is from my Lola.  Talk about his fave school organ (official newsletter), class card, etc., he still has it.  Simple things that up to now reminds my Lolo of too much attachments. 

I keep track of important messages from important people and kept it at the inbox of my first 3210.  The no. of messages to be stored are so limited that I intend to just write it down with date and time received.  Those messages I valued so much until such time the phone got busted that it has to be formatted until such time time that it has to be given away to my cousin until it was lost. 

It was one frustrating experienced.  But repeated experiences of holding on and lost made me think of not to overly attach myself to anything or to anyone.  And it helps!  Not that I don’t care.  It’s just that I know how to weep for awhile and move on.  Life is not about weeping and weeping… there has to be a wide room allotted for "change".

It’s unloading the baggage… it makes your life lighter!

Posted by sheggz at 6:28 pm | permalink | comments[2]

Handa na ba ako?

 

Kagabi, bigla akong napaisip ng malalim.  Sobrang kahit ang ingay ng lugar na kinaroroonan ko, nagawa kong makapag-isip.  Ang lalim ng tinakbo ng utak ko na halos malunod-lunod ako.

Nape-pressure ako sa tao, sa mga nangyayari, sa mabilis na pangyayari, sa taong sangkot dito, sa mga bagay na hindi ko kayang gawin hehehehe, at sa nararamdaman ko… hindi naman ako takot sa sasabihin ng tao pero higit akong takot sa papasukin kong sitwasyon na mismong sarili ko hindi "sang-ayon" sa mga planong ito hehehe.  Minsan, gusto kong yayain ng inuman hanggang sa magkalasingan na lang at ng masabi ko ang mga bagay na bumabagabag sa akin.  Kung magkabasagan man ng bote at ng mukha, mas okay na un, at least naging totoo kami sa isa’t isa at hindi ko pagsisisihan ang desisyong gagawin ko.  Mga sagot na di ko dapat sinabi nang hindi ako sigurado para ngayon hindi ako guilty na "napipilitan lang yata talaga ako". 

Hay, gusto ko ng malaking space.  Para pagbalik ko, alam ko na ang sagot ko… 

Posted by sheggz at 10:47 am | permalink | Comments Off

a Fun way to race for your dream

I am excited at how this coming weekend will transpire coz we’re up for one exciting task.  I’m hopeful that when we go back to Manila there’s something great that would come out.  I’m here at work but my mind is no longer in Makati… it flew all the way to the north hehehe

Oh… that’s how music can greatly affect me… the Poppin’ Pop Out will soon be there.  Sumakay ka na sa pangarap ko… dali!

Posted by sheggz at 9:51 am | permalink | Comments Off

     

January 2008
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Sponsored Links

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines