Home » Post Item » Handa na ba ako?
Handa na ba ako?
January 31, 2008
Kagabi, bigla akong napaisip ng malalim. Sobrang kahit ang ingay ng lugar na kinaroroonan ko, nagawa kong makapag-isip. Ang lalim ng tinakbo ng utak ko na halos malunod-lunod ako.
Nape-pressure ako sa tao, sa mga nangyayari, sa mabilis na pangyayari, sa taong sangkot dito, sa mga bagay na hindi ko kayang gawin hehehehe, at sa nararamdaman ko… hindi naman ako takot sa sasabihin ng tao pero higit akong takot sa papasukin kong sitwasyon na mismong sarili ko hindi "sang-ayon" sa mga planong ito hehehe. Minsan, gusto kong yayain ng inuman hanggang sa magkalasingan na lang at ng masabi ko ang mga bagay na bumabagabag sa akin. Kung magkabasagan man ng bote at ng mukha, mas okay na un, at least naging totoo kami sa isa’t isa at hindi ko pagsisisihan ang desisyong gagawin ko. Mga sagot na di ko dapat sinabi nang hindi ako sigurado para ngayon hindi ako guilty na "napipilitan lang yata talaga ako".
Hay, gusto ko ng malaking space. Para pagbalik ko, alam ko na ang sagot ko…






