To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Dark Voice

February 11, 2008

Maliit lang ang bayan namin para hindi maging magkakakilala ang mga tao.  Kaya ganon na lang ang gulat ko ng minsang paguwi ko, may ikalawang insidente na naman ng pagbibigti.  Ganon sa min.. pag uso ang dengue.. dengue.. pag uso ang sakit.. sakit.. pag uso ang suicide.. sunod-sunod ang suicide..

Higit kong ikinagulat na… kaibigan pala ng kapatid ko yun… si Adrian.

Huli ko ciang nakita, eleksyon.  Kandidato kasi sya sa pagkakonsehal at ang natatandaan ko lang ay ang napakasimpleng ngiti at tapik sa balikat.  Nangilid ang luha ko ng marinig ko sa nanay ko ang detalyadong kwento… lalo na ng marinig ko ang katagang ito…

Nanay ni Adrian: "Wala na palang mas sasakit pa para sa magulang ang makita mong ang anak mo ay nakabitin.  Nawalan na ako ng malay-tao."

Napapikit talaga ako ng marinig ko yun.  Tangi ko lang nasabi.. "Hindi nya napaglabanan…" 

Batay sa kwento, mabait at palakaibigan… andami nga daw talagang malulungkot kasi bata at matanda kaibigan nya.  Wala na yung makikihiga sa mga sofa, makikipagkwentuhan, madaling makaladkad na driver, wala na ang kabatian… at para kay lola… wala na ung dadaan sa bahay para lang magmano at magsasabing…. "Anda, mano po!"… miminsan lang ako makarinig ng ganong mga testimonial ng tao para sa mga simpleng tao tulad nya.. siguro nga… mabait na tao un para andaming malungkot sa pagkawala.

Ramdam ko rin ang lungkot sa kapatid ko habang nagdadrive cia pabalik ng manila… antahimik namin pareho eh.  Naitanong ko na lang na… "Nagtetext ba sa yo un dati?  Tumango lang cia.  "Wala bang nabanggit na problema man lang sa yo?"  Umiling lang.

Hanggang sa sinusulat ko to.. naluluha pa din ako.  Masakit siyempre ung aalis man lang ang kaibigan na hindi man lang nagpaalam lalo na at ang paglisan ay nangangahulugan ng hindi na muling pagkikita…

I feel sad that someone has to cut his life short and never had the courage to fight that "dark voice"… there is! 

It always brings back a lot of memories making me feel so "blessed"… someone by the name Ge saved me not to hear that "dark voice"…

Amadeans would definitely be missing an angel and a friend in Adrian…  Hopefully, my friend Rowel would help you to cross over ;-)


Posted by sheggz at 7:59 am | permalink

Add a comment








     

February 2008
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
2526272829  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines