Home » Post Item » Php20 Barya
Php20 Barya
February 22, 2008PVP Liner byaheng Ayala. Sa may Quirino Ave. Standing ako. Bitbit ang sandamukal na gamit. Nang biglang may umakyat na isang lalaki. Mejo bahagyang nakayuko at napansin kong parang may problema sa balat. Bigla siyang nagsalita at humingi ng paumanhin.
Dati siyang macho dancer sa sikat na clubs sa Pasay. Binanggit nya nang paulit-ulit ung pangalan ng clubs sa may Roxas Blvd pero hindi ko na natandaan. Sa edad nyang 48, mababakas mo nga na noong kabataan niya, matikas at may hitsura talaga cia. 1980s ang kasikatan nya.
Pero sa paglipas ng panahon, umedad din cia at nagkasakit. Iniwasan na ng mga kaibigan at taong minsan ay nakasama nya. Sa madaling salita, hindi masyadong sinuwerte sa buhay. Nanlimos siya sa bawat isa sa bus. Kakainin na daw nya ang pride nya kesa magnakaw at pumatay. Noong kalakasan daw nya, mapagbigay din cia sa ibang tao, magaan ang kamay sa pagtulong. Ngayon, hindi nya alam kung AIDS or cancer ang sakit nya dahil wala na ciang panggamot.
Binubuhay na lang nya ang kanyang sarili, umaasa sa tulong ng ibang tao. Umaasa daw kasi siyang, naging matulungin din cia dati kaya alam nyang may tutulong din sa kanya.
Abot-abot ang pasasalamat nya sa konting perang natanggap. Sa tingin ko, wala pang isandaan un. P20 binigay ko. Sabi ko, bawi nalang ako pag nakasakay ko ulit cia.
Bigla ko ulit naisip.. kung mabait cia dati at matulungin… bakit ngayon, ganito cia… "Why do bad things happen to good people?
Bigla kong naisip, wala na ung P20 ko. Huling pera ko na nga yun sa bulsa… hehehe buti pa cia may barya… ako tuloy ang naubusan hehehe






