To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Sarili mo.. kayanin mo

March 4, 2008

Nasa unahan ako ng taxi kaninang umaga.  Nag-enjoy ako sa pasikot-sikot na daan makarating lang kami ng Makati.  Tinatahak namin ang daang Kamagong.  Sa unahan namin ay isang taxi din. 

 

Nasa kanto na kami ng biglang nagbaba ng pasahero ang isang pampasaherong jeep.  Nakow, eh mejo may katabaang lalaki na parang Instik ang bumaba.  Eh saktong papadating ang taxi sa unahan namin… galit si Tabachoy sa driver ng taxi dahil muntik na siyang masagasaan…

 

Nang umalis na iyong taxi, kami na siyempre ang nakaambang awayin ng Tabachoy.  Handa ako sa laban.  Tagal niyang maglakad… sinisipat – sipat ang driver ng taxi na sinasakyan ko.  At nang mapagod sa kakatingin, sa akin naman bumaling ang tingin… saktong ang kaliwang kilay ko ay nag-activate na tumaas…

 

Tiningnan ko lang cia sa level nang masamang tingin nya sa akin.  Sabi ng taxi driver, “Bakit pati sa atin galit?”

 

Hindi ako sumagot… at hindi ko rin inalis ang tingin ko habang ang bagal niyang lumalampas sa harapan namin.  Agad kong pinindot ang busina… “Toink! Toink!”

 

Wala siyang nagawa kundi maglakad… pagkalampas na pagkalampas nya, humarurot ang taxi namin… at ang naging usapan namin ni Manong Driver?

 

“Kung hindi nya kayang dalhin ang sarili niya, wag siyang maninindak ng tao.  Baka pag hinamon ko siya ng takbuhan eh maubos ang lahat ng sebo sa katawan niya.  Ako kaya ko ang sarili ko sa payat kong to.  Wag kayo manong pasisindak sa mga taong mukhang maninindak.  Pag alam ninyo sa sarili ninyong tama kayo at wala kayong tinatapakan na baboy, panghawakan ninyong mabuti ang prinsipyong meron kayo.  Hindi kayo iwawala ng prinsipyong iyon.”

 

Manong:  Kala ko nga aawayin tayo.  Wala naman akong ginagawa sa kanya.  Ang tagal nga nyang tumawid.

 

Ako: Hindi naman ho ako papayag na awayin kayo dahil sa kasalanang hindi natin alam.  Hindi ako palaaway na tao pero galit ako sa taong nanlalamang ng ibang tao.

 

Baboy-ramo man dapat may puso din.


Posted by sheggz at 1:21 pm | permalink

Add a comment








     

March 2008
M T W T F S S
« Feb   Apr »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines