To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

# 869

March 31, 2008

Maituturing kong isang Praning na Sabado ang March 29, 2008.  Magkakasama kami pero walang nagsasalita at halos anlalim ng mga iniisip.  Nang nakaramdam ng gutom, salamat sa KFC na malapit sa Baclaran Church. Dasal ulit pagkatapos.  Nang mahimasmasan ng kaunti, diretso naman ng MOA para magpalamig, pero tulad ng dati, wala pa ring nagsasalita.  Literal ung feeling na najejebs na nasusuka na nahihilo na kinikilabutan na halos gusto mong maghapong maluha na lang habang lakad ng lakad… magkakasama kami pero ilang beses kami nagkawalaan pero wala ni isa sa amin ang nabothered na maghanap.  Praning!  Nasa loob ako ng mall pero naghahanap ako ng sinag ng araw para magpainit.  Nang mag-aalas-dos, kinailangan naming bumalik ng Baclaran Church para sa huling dasal… ilang beses na halos kami muntik-muntikan nang maaksidente. 

Iyakan na kami magkapatid sa parking lot ng MOA.  Nang mga sandaling iyon, wala kaming mapaghugutan ng lakas kundi ung nasa Itaas.  Pagkatapos magdasal, diretso ng Robinsons-Ermita, magpapark dapat, pero in the end, inikot lang namin ang parking lot, nagbayad ng P30.00 para lang magpaikot-ikot.  Aksaya sa parking, aksaya pa sa gasolina.  Diretso ng Max Orosa.  Naghihintay.  Nang magaalas-kwatro ng hapon, inutusan akong pumunta ng Supreme Court para tingnan ang resulta. Putek! Nasa gate palang ako ng Supreme Court, tumawag si Joyce, nagtext na si JP, tumawag na rin ang kapatid ko.  Nagsasabing pasado ang kapatid ko.  Pero putek!  Akong nasa mismong Supreme Court, hindi ko nakikita ang pangalan ng kapatid ko.  Itinext ko na sa buong pamilya ko na PASADO cia kahit hindi ko pa NAKIKITA!  Ang sabi kasi, maniwala ka kahit hindi mo pa nakikita…Naglalakad ako na halos sagasain ko na ang mga taong nasa harap ko makita lang ang papel… luha, pawis at sipon lang ang dala dala ko nun…  Sa inis ko, nakita ko ung 3 malaking projector na dun pala idinidisplay ang pangalan… pagdating na sa letter N, nagstop!  at nagrestart! Napamura talaga ako… ung feeling na magalta-presyon!  Nang makita ko mismo sa sarili ko, hindi ang apelyido kundi ang pangalan.. napasigaw talaga ako! "Thanks God! Kapatid ko yan!!"   Akala tuloy ng tv reporter, ako ay isang barista na pumasa… lapit agad para sa interview… saka lang ako tinamaan ng hiya na .. "hindi po ako kumuha ng exam hehehehe".

Txt magkabi-kabila, iyak dito, singhot dun, pawis dito, tapilok dun!  In short, ng mga panahong iyon, dugyutin at wa-poise si Ate !!! My goodness! Weno ngayon!  hahaha  Kanya-kanyang jologs nang mga oras na iyon… may pinipicturean ang pangalan, may nagpapapicture sa harap ng projector, may umatungal ng lakas na lakas at gumawa ng eksena hahaha

  

Haaay!!! Congratulations Atty Ovel! 

To God Be All the Glory!! :)


Posted by sheggz at 9:30 am | permalink

Add a comment








     

March 2008
M T W T F S S
« Feb   Apr »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines