To!nk-able Thots

The best and the most wonderful thing in this world cannot be seen or even touched... they must be felt with the heart.

Hanudaw?

April 24, 2008

Isa na marahil sa maituturing kong nagpatawa sa akin ng malakas ngayong araw na ito ay ang biglaang chat conversation namin ni Anje tungkol sa samut-saring kaganapan sa pag-aayos ng mga requirements puntang New Zealand.  Uso na kasi ngayon ang pagpapa-authenticate ng mga credentials na wari mo ay wala sa Pilipinas ang Recto.  Bago na rin kasi ang sistema ng pagkuha ng passport at ang pag-uupdate ng records kapag bagong kasal..  

Natawa ako sa inis ni Anje.  Handang handa siya sa picture para mukhang professional sa passport, hindi nya alam na may official photographer na sa DFA.  Nang lumabas si picture, ganito ang pagkakadescribe nya. 

Ate, kung baga ung pic na dala ko eh parang domestic helper na papunta pa lang sa abroad

Pero ung pic nila eh ung domestic helper akong maltreated ng amo. Bwiset anu! 

Kailangan na talagang magpa-authenticate ng mga credentials para marecognize sa ibang bansa.  Hassle siyempre. 

May isang kilalang banko na hindi ino-honor ang passport at marriage contract as valid documents kapag nagpapaupdate ng pangalan sa mga bagong kasal na nag-iba na syempre ang apelyido.  Kailangan daw 2 valid IDs.  

Ang mejo naguluhan ako, una, government agencies ang nagiissue ng mga documents na ito, at sa pagkakaalam ko rin, passport ang numero unong valid at official document to present.  Hindi ko nga maintindihan kung pati gobyerno natin questionable na din… Sa madaling sabi, hanudaw?  


Posted by sheggz at 4:51 pm | permalink

Add a comment








     

April 2008
M T W T F S S
« Mar   May »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Album

Housemates Tuloy ang Buhay Album
Featuring the PBB Season 1 Housemates

 

 

 

 

 

 

Toinkable Ranks

Personal - Top Blogs Philippines

MyBlogLog

Thot Lurkers

Subscribe

Technorati
Bloglines